Press Releases
An Open Letter from a SPES Beneficiary in Malabon City

Isang panibagong araw na naman ang dumating para sa akin. Isang araw na kinakailangan kong gumising ng maaga dahil alam ko na kapag dumating na sa tapat ng alas-otso ng umaga ang orasan, ay mayroon akong tungkulin na kailangang gawin. Dali-dali akong nag-ayos, sinuot ko ang aking itim na pantalon, itim na sapatos, ang aking relo, at ang aking kulay rosas na uniporme. Humarap ako sa salamin para tignan kung may hindi pa ayos sa aking mukha. Ngumiti ako bilang magsilbing panimula para sa panibagong araw na magiging produktibo para sa akin at para sa iba pang mga kabataan. Pero may pumigil sa akin. May pumigil sa akin bago pa man ako dumaan sa aming pintuan palabas ng aming bahay. Si Nanay, pinigilan ako ni nanay. “Bakit ka nakagayak? Tapos ka na diba sa SPES? At ilang araw na lang ay pasukan na.” wika ng aking nanay na may halong pagngisi dahil makikita mo ito sa kaniyang mukha. Nagpalit na ako ng aking kasuotan at bumalik sa kwarto. Nag-isip ako na, “Oo nga, tapos na ako sa 20 araw sa Special Program of Employment for Students o SPES. Programang para sa akin, para sa aming mga kabataan.

            Marami ang nag-tatanong sa akin, “Bakit ka sumali sa SPES?”  Sabi sa akin ng mga kakilala ko noon ay pagtitimplahin lamang daw ako ng kape, magxexerox ng mga papel o dokumento ng opisina, paghahanapin ng kung ano, uutus-utusan, at marami pang iba. Iilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit noong nasa ika-apat na taon ako ng hayskul ay hindi ako tumuloy sa SPES. Pero lahat ito ay nagbago simula noong sinubukan ko. Napabilang ako sa programang ito noong taong 2016. Sa unang pag-sabak ko noon ay iniisip ko na agad na ganoon ang mga mangyayari, katulad ng mga sinabi sa akin ng aking kakilala. Pero mali pala sila.  Ibang-iba sa mga sinabi nila.  Naging produktibo ako sa pagsali ko sa programang SPES. Sa unang pagsabak ko ay natuto at mas natuto akong makisama sa ibang tao. Naunawaan ko na may mga iba’t-ibang ugali pa ang mga tao na hindi ko pa nakikita. Mas nakikita ko ang sarili ko kapag nagtratrabaho na ako. Kahit noong mga panahon na iyon ay sumabak na ako sa mga gawaing mahihirap, tulad na lamang ng paghahanap ng mga dokumento na sobrang hirap hanapin. Sa unang pagsubok ko natutunan ko na hindi ko dapat sukuan ang isang bagay dahil nahihirapan lamang ako. Dapat mas matuwa ako kahit mahirap ang gawain dahil alam ko na matututo ako dito. Masaya ang nagging karanasan ko sa unang pagsabak ko sa programang ito kaya hindi ko pinalagpas ang taong 2017 para sa pangalawa at panibagong karanasan sa SPES. Sa pangalawa kong pagsabak ay hindi ko inaakala na mapupunta ako sa opisinang nagpapatupad ng SPES, ang Public Employment Service Office. Malaki ang pressure para sa akin dahil sa alam ko na maraming mata ang nakatingin sa akin. Ninais kong magpalipat ng opisina noon pero naisip ko na tatanggapin ko ito bilang hamon sa akin. Naging gawain ko na tuwing papasok ay nakasuot ng itim na pantalon at kulay rosas na uniporme bilang pagpapakita na ako’y tunay na nagtratrabaho. Katerno nito ang itim na sapatos at itim na medyas. Nakagawian ko na rin ang magdala ng isang maliit na lalagyanan o mas kilala sa tawag na hygiene kit dahil alam ko na nagtratrabaho ako at kailangan ko rin mag-ayos para maging mukhang presentable. Para paikliin, mas naging alala ako para sa sarili ko at sa paligid ko. Mas naging mulat ang isip ko. Magagamit ko ito sa panahon na nagtratrabaho na ako dahil may ensayo na ako kung paano gumalaw ang isang nagtratrabaho. Sa susunod na taon ay On-The-Job Training o OJT ko na. Mula sa dalawang taon kong pagiging kabilang sa SPES ay dadalhin ko lahat ng aking natutunan para mas maging maunlad ako at upang maging modelo para sa aking sarili at para sa iba. Pinasasalamatan ko si Gng. Flourescelle C. Austria, ang punong opisyal ng opisina ng Public Employment Service Office o PESO Malabon dahil sa kaniyang kasipagan at bilang ina sa aming mga benipisyaryo ng SPES. Sa kanyang walang sawang pangaral at gabay. At nais ko ring pasalamatan ang Punong Lungsod ng Malabon na si kagalang-galang Mayor Antonlin A. Oreta III sa kanyang walang sawang pagsuporta sa mga proyektong pangkabataan sa Malabon pati na ang Department of Labor and Employment (DOLE).

            Ako nga pala si Chris Nicole F. Piamonte ng barangay Hulong Duhat ng Lungsod ng Malabon. Kumukuha ng Bachelor of Science in Computer Science sa Polytechnic University of the Philippines.  

 

An Open Letter from Chris Nicole F. Piamonte,

 

Beneficiary, SPES Malabon 2017 Batch I  

[Back]
[Print]
2017-06-15
DIR. JALBUENA
Welcome to the official home of the Department of Labor and Employment-NCR, in the information superhighway.On this site, you will know that the DOLE works to promote gainful employment...
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.